……temporarily.

Ang buhay kamotenista ay nakakawindang. Nagba-blog ng patago. Nakapikit ang kanang mata habang nagku-kumpyter. Ang kaliwang mata ay nasa kalawakan. O di kaya sa statistika, mapa, kalendaryo, telepono, selpon, at may nakasaksak sa tenga (kaya ang dami kung nadadali sa mga komento ko diba master Mix?.wahaha).

May sisirain lang ako. Isang nakaka-nose bleed, nakaka-brain damage (safe dito kasi brainless si kamotenista) at nakakamatay. Kailangan ko daw matuto ng panibagong expertise (kung yun ang tawag dun).Pag hindi ko na kaya bahala na lang ang mababagsakan ko. Bahala si Batman, Superman at si Kuya Jesus sa’kin.


Paalam…..Sa aking muling pagbabalik!

May the Force be with Me……………….

Naranasan niyo na bang pumasok o ikutin ang isang kampo? Kung kayo ay isang taong labas at mamasyal sa loob, siguraduhin na may kasama dahil maraming “restricted area”o mga kagimbal-gimbal na mararanasan. Oops, walang usapang liko sa kaliwa o face the wall ito.

May mga kampo na ginamit noong Spanish, Japanese at ng American kaya maraming istorya ang nakabalot sa mga katabi o sa loob mismo ng mga kampo. Merong nakakatawa, nakakainis, at nakakapangibot (maraming ibig sabihin ito).

Dahil walang pasok at walang magawa naisipan namin ng kaibigan ko na mamasyal sa loob ng kampo. Nakarating kami sa lugar na kung saan naging dating garison noong panahon ng mga Hapon (ang sabi-sabi). Walang bakas nang kung akong histori ang napuntahan namin. Maliban sa mga bagong hair cut na mga damo at sementong daan, wala nang ibang andun. Syemps, kwentuhan tungkol sa mga buhay namin at buhay ng may buhay. Dahil si kamotenista ay likas na tamad tumayo kaya umupo sa gilid ng daan patalikod sa main road. Hanggang nagdadaldalan, biglang nanahimik ang aking kasama.

Prend: May naririnig akong may humihila ng kadena. Makinig ka!

Ako: Wala akong naririnig!

Prend: Pakinggan mo! Ten feet away…

Ako: (tumingin sa paligid) baka sa runway lang yan!

Prend: Baliw, ang layo ng runway!

Ako: (oo nga, engot talaga ako) imposible kasi walang tao, sasakyan o kahit ano yards away.

Hanggang iniiba ko ang usapan, namumutla na ang kasama ko sa takot at nagtatayuan na ang balahibo. Hindi dahil sa ingay ng kadena na naririnig kundi yung gumugulong na duguang dram sa likod ko (yun ang nakita niya). Wala akong nakita. Pero, sa kasamaan palad may naririnig ako na hindi ko lang pinapahalata. Maliban sa kadena, yabag ng kabayo at gumugulong na dram, ay may narirnig akong “foot steps” na nasa 25-35 katao at nasa seven feet away. Kung pamilyar kayo sa tunog ng combat shoes at ganyan ka daming tao na sabay-sabay ang bagsak ng paa, mawiwindang ka talaga. Tumayo ako at humarap sa main road. Alam ko nasa seven feet away sila pero palapit ng palapit. Seven feet…five feet….one foot away in front of me! Wala na.

Hindi sila mga sundalong Espanyol o Amerikano. Sila ay mga Japanese soldiers dahil sa yabag ng mga combat shoes, martsa at ang “formation”.

Prend: are we dead?(tanong niya habang tuliro)

Ako: baliw, buhay na buhay ka pa! Ayan o, nilagok mo pati ang softdrinks ko…

Prend: San kaya sila pupunta?

Ako: Baka red alert sa kampo nila. Gusto mo sundan natin?

Prend: jaja (sabay batok sa’kin…)totoo ba yun?

Ako: grabe ka! Kung makabatok ka parang Plebo lang ang kaparap mo.

Ako: baboy, kung totoo yun tadtad ka na ng bala ngayon at may kasama pang samurai X. Hindi nga lang samurai X ang meron kung nagkataon. Meron ka pang A-Z, matutupad na ang pangarap mo na bago ka matsugi naging kumpleto ka!

Prend: ginawa mo akong Centrum.

Ako: nangingilabot ako!

Prend: bakit?( tanong niya habang nanlalaki ang mata)

Ako: kasi natatae ako!

Prend: wala ka talagang kwentang kausap (sabay hagis sa’kin ng softdrinks can)

Sabi ng Nanay ko, meron din daw mga ganung eksena sa kampo na yun noong panahon nila. Dadaan at bigla na lang mawawala. Minsan nakakatakot o nakakatawa. Nagiging nakakatakot kasi yun ang naiisip natin. Nauunahan tayo ng ating imahenasiyon. Tama pa rin ang kasabihan na “matakot ka sa buhay, huwag sa patay”.

Naniniwala ba ako? Ewan…..siguro…minsan…depende! Tumingin kayo sa likod niyo….baka andyan sila!

Ang buhay ay weather weather lang. Minsan, maulan, mainit o makulimlim. Sabi ni Kuya Jesus sa’kin “tumingin ka sa langit, ipikit ang mata at malalaman mo ang sagot “. Ganyan ako ka lab ni Kuya Jesus.

When we long for life without difficulties, remind us that oaks grow strong in contrary winds and diamonds are made under pressure…Peter Marshall

Sabi nga ni Kuya bluep, “ on the wings of my dream”…Fly high!

Take Lifer!


Tama! Dapat ang buhay ay makulay. Mahal ang beauty treatment ngayon. Tapos, wala akong datung para sa mga ganyang bagay. Kaya ito share ko mula sa isang kaibigan na mahilig sa mga forwarded messages. Minsan, ang mga forwarded messages nakakaaliw pero minsan nakakainis lalo na yung mga merong “ forward this to 30 friends, etc. etc.”. Pag may mga emails na ganyan lalo na sa friendster ko, kahit close tayo at super close tayo isang malutong na “goodbye, as in thank you and I’m glad to be your friend but due to unwanted messages blah blah…” Isang authentic katarayan mula kay Kamotenista ang mararanasan kung nagkataon. Kung maganda ang mensahe pinapadala ko sa mga kaibigan pero inaalis ko yung mga instraksyon na ganun.

A sliced Carrot looks like the human eye. The pupil, iris and radiating lines look just like the human eye… and YES, science now shows carrots greatly enhance blood flow to and function of the eyes.

A Tomato has four chambers and is red. The heart has four chambers and is red. All of the research shows tomatoes are loaded with lycopine and are indeed pure heart and blood food.

Grapes hang in a cluster that has the shape of the heart. Each grape looks like a blood cell and all of the research today shows grapes are also profound heart and blood vitalizing food.

A Walnut looks like a little brain, a left and right hemisphere, upper cerebrums and lower cerebellums. Even the wrinkles or folds on the nut are just like the neo-cortex. We now know walnuts help develop more than three (3) dozen neuron-transmitters for brain function.

Kidney Beans actually heal and help maintain kidney function and yes, they look exactly like the human kidneys.

Celery, Bok Choy, Rhubarb and many more look just like bones. These foods specifically target bone strength. Bones are 23% sodium and these foods are 23% sodium. If you don’t have enough sodium in your diet, the body pulls it from the bones, thus making them weak. These foods replenish the skeletal needs of the body.

Avocadoes, Eggplant and Pears target the health and function of the womb and cervix of the female - they look just like these organs. Today’s research shows that when a woman eats one avocado a week, it balances hormones, sheds unwanted birth weight, and prevents cervical cancers. And how profound is this? It takes exactly nine (9) months to grow an avocado from blossom to ripened fruit. There are over 14,000 photolytic chemical constituents of nutrition in each one of these foods (mo dern science has only studied and named about 141 of them).

Figs are full of seeds and hang in twos when they grow. Figs increase the mobility of male sperm and increase the numbers of Sperm as well to overcome male sterility.

Sweet Potatoes look like the pancreas and actual ly bal ance the glycemic index of diabetics.

Olives assist the health and function of the ovaries

Oranges, Grapefruits, and other Citrus fruits look just l ike the mammary glands of the female and actually assist the health of the breasts and the movement of lymph in and out of the breasts.

Onions look like the body’s cells. Today’s research shows onions help clear waste materials from all of the body cells. They even produce tears which wash the epithelial layers of the eyes. A working companion, Garlic, also helps eliminate waste materials and dangerous free radicals from the body.

Have a healthy life…..bonggang bongga!

Maglalakbay na lang po ako sa mga bahay ninyo pag nasa matinong pag-iisip na po ako. Huwag kalimutan ang mag-iwan ng link.

Hindi naman bawal ang umiiyak at higit sa lahat hindi naman bawal ang ngumiti kasi wala namang demerit points pag ginawa ko ang mga yun.

Naghahanap ako ng paraan para tumawa. Kaya, napag-tripan ko ang pikyur na ‘to. Parang kelan lang. Now, I’m alone trying to beat all odds.

There’s always a silver lining.

…..but I’m only human!

Minsan sa buhay ng tao hindi mo alam kung saan ka patutungo. Minsan gusto mong tumakas na lang. Pero bigla ka nalang bubulungan ng kunsensiya mo, tama ba ang gagawin mo na tumakbo at hindi man lang sinubukan ang hamon sa’yo?

Paano ka nga ba lumaban kung ang sariling kaaway mo ay ang sarili mo?

Paano nga ba magpatuloy ng laban kung wala ng natitirang lakas ang mga paa mo para tumayo?

Paano mo nga ba haharapin ang bukas kung wala ka nang kumpiyensa sa sarili mo?

Paano nga ba umiyak kung ayaw man lang tumulo ng mga luha kahit isang patak?

Paano nga ba sumigaw kung walang boses na lumalabas sa bibig mo?

Paano nga ba ang ngumiti kung hindi mo nararamdaman ang tuwa sa puso mo?

Paano nga ba ang humikbi kung hindi mo nararamdaman ang sakit na mula sa puso mo?

Kailangan pa bang umaray para masabing nasasaktan ka?

Kailangan pa bang sumigaw para masabing may nararamdaman ka?

Kailangan pa bang luha para masabing tao ka rin?

Life is unpredictable

Life is full of challenges but worthy.

Life is about how you decide to let go and face a tomorrow with a big hello.

I wish to watch the sun rise while the stars still play in the heaven.

I hate this feeling…feeling of being sad and down!

Lilipas din ito………..

Kung noong isang araw sa aking blog na ito ako’y tuliro, nalilito at hindi makapagdesisyon sa buhay pero sa kalaunan naliwanagan ang aking brainless head. Sa madaling usapang batas militar ako ay nakikain este nakisalo sa napakahalagang pangyayari sa buhay ng isang retiradong opisyal. Aktuwli, gusto ko lang tumakas sa bartolina ko. Dahil si kamotenista ay isang gremlin na mapagmatiyag marami akong napansin, napuna at nahagilap na tsismis istorya ng buhay.

Simbahan

Maganda. Fresh na fresh ako dahil naka-air con kaya amoy baby pa rin.Nasa loob ng kampo kaya maraming kalat kalat na mga gwapo, feeling gwapo, habulin at mga nagpapahabol (pagbigyan ang hiling).

Choir

Pag ang isang okasyon ay nasa loob ng kampo kadalasan ang mga choir ay anak din ng mga sundalo. Nasa edad na sampu hanggang biente na mga batang barracks. Ang ganda ng mga boses kaya maraming kalbo ang tulog nakapikit at mataimtim na nanalangin. A job well done kids!

Reverend

Siyempre, hindi magpapahuli si Pader na isa ring kawal. Maliban sa gudluks ni Pader ay maganda rin ang boses. Sa katunayan nga may kahawig siya na isang Navy Officer. Akala ko nga nagpalit na si Officer ng karir. Kung nagkataon maraming iiyak. Baka makakakumpentensiya pa niya si Kuya Utoy.

Bridal Car

Swet life. Ang sarap i-drawing ang mukha ko o di kaya mag-drawing ng mga bulaklak. Ang kintab, ang bango at ang sarap karnapin. Isang Jaguar kar lang naman. Ilang taon ko kayang sweldo yan? Siguro kahit matsugi na ako hindi ko pa rin mababayaran yan. Sabagay, kumpleto na ang gamit para sa kar ko gaya ng tango-tango ulo ng aso sa dashboard, seven dwarfs at yung sabit-sabit. Kulang na lang ang kar. Amf!

The Gentlemen

Hay, ano pa nga ba ang bago. Maraming kawal, kawal at kawal. Kawal na puti ang buhok, may kuhay na buhok, walang buhok at buhok na puro sa gilid lang (saklap). Merong naka-barong, amerikana, matanda at feeling bagets. Mga kawal na kasapi noong Edsa Revolution, Blue Diamond Fighter at Vietnam war veterans. Pansin ko lang kung bakit hawig ang mga sugat ng mga Vietnam Veterans. Gud eksampol yung kay dating Pres. Fidel Ramos. Hmm…..nakapag-research kaya si commander-in-chief dito?…

The Ladies

May nagkikintabang perlas ng silangan, mga sinunog na kilay at nilagyan ng guhit. Ang mga buhok ay nakaayos dekada otsienta. Glamarosa, yan ang tamang salita para sa mga commander-in-chief.

The Couple

Ang bride ay naka simpleng ayos lang at si Groom naman ay nakabihis amerikana. Si Groom at ang team niya ay naging parte ng Vietman war kaya parang reunion na rin ito para sa kanila. Snappy na snappy pa rin si officer. Hindi biro ang propesisyon ng isang kawal. Pagkatapos ng dekadang pagsasama, higit kumalang isang dose na anak at samo’t saring pinagdaanan sa buhay. Ang gandang pagmasdan na sa hirap at ginhawa ito sila magkasama pa rin. Young officer sana marating niyo rin ang ganito. Uhm……

The Reception

Ito lang ang masasabi ko…..bonggang bongga! Simple mang tingnan ang mag-asawa pero ang taray ng reception. Ang daming eklabush! Hay, ang dami kasing mga apo kaya hayun, kanya kanyang gimik. Nagutom at nainip si kamotenista kaya lumabas muna. Dahil ang aking mga alaga sa tiyan ay nag-gigiyera na kaya wala akong pakialam kung sino ang babanggain ko. Astig ako eh! Kayang kaya ko yan…pader, poste, asya-asya. Sabi ko sa inyo…astig ako eh!. Dahil ekis-ekis na ang tuhod ko sa gutom, hindi ko na napansin na mababangga ko pala si General Naruto (ikubli natin ang kanyang katauhan). Tiningnan ako ni General Naruto mula ulo hanggang paa. Tumayo siya ng diretso at kamay sa gilid. Hindi alam ni kamotenista kung tatakbo, magmamartsa, sasaludo o ha-hug siya…..gargargar. Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya“gutom ka na ba? ako rin, gutom na gutom na”.Hayyyzzzz……

Akala ko ba maiiba ang kapaligiran ko? Anak ng kamoteng baging naman….

May kamotenista pa kaya bukas o sa mga susunod na araw?

Itutuloy……

Wala ako sa matinong pag-iisip para mang isip, makipagkuwentuhan at makipag-usap (pero ginugulo si ifoundme) dahil sa isang kadahilan. Masakit ang sikmura ko, tiyan ko,bituka ko, wateber. Hindi ko alam kung dahil sa presyur at tense (past tense, present tense, future tense) sa kung ano mang kadahilanan. Ilang beses na rin ako pabalik-balik sa CR para tanungin ang sarili ko kung natatae ba ako…pero paulit ulit ring “hindi” ang sagot ng angel dela guwardiya ko. Ang alam ko kasi eksayted ako pag nagha-hapi pupu….Swet life, ang bahong usapan nito.

Dahil sa sakit ng sikmura, tiyan o bituka wala akong narirnig sa kapaligiran. Kinakausap ako ng kasama pero tiningnan ko lang siya sabay posing ala Ninoy Aquino. Walang salita, walang ekspresiyon, blanko! Kahit siguro pasabugan ako ng bomba hindi pa rin ako manunumbalik sa katinuan. Hindi parin ako magkaka-emosiyon kahit may maghubad sa harapan ko. Tiningnan ko ang aking selpon at nagbabakasakali na bumalik ang ulirat dahil may 15 unread messages na at ang iba ay noong mga nakaraang araw pa. Pero bigo ako!

Tumayo, tumingin-tingin sa paligid at nagma-martsa na may slow motion epek. Pero, sa kasamaan palad hindi ko alam kung san ako pupunta.

Sabi epektib daw ang efficascent oil pangpaalis ng sakit pero bakit walang saysay ang powers niya sa’kin. Ano kaya kung inumin ko?….Hindi ko na nga alam kung ano amoy ko sa kakapahid ng gamot na ito.

Ang robot ay may depiktibo. Gusto kung umiyak pero hindi ko magawa.

Namimiss ko si Nanay ko.

(google picture)

Kinausap ako ng aking butihing Tiya tungkol sa isang okasyon. Kung meron daw akong kalayaan ay samahan ko sila ng kanyang asawa para pumunta sa 50th Wedding Anniversary ng isang retiradong kawal ng Pinas. Napaisip ako bigla.

Ang aking Tiyo ay isa ring retiradong Zaido at kadalasan nasa bahay na lang na naghuhukay ng hindi dapat hukayin, Nagtatanim ng kung ano-ano at pagkalipas ng isang araw ito’y makakaranas ng isang malupit na assault. Nagdidilig ng mga nakaligtas na panamin muna sa kanyang bagsik at pati ang artificial na halaman kasama sa binibigyan niya ng pataba. At higit sa lahat gising at nagwawalis na ng alas dos ng madaling araw. Napaka-early bird nya talaga.

Siguro dahil wala ng pressure ang buhay niya kaya kadalasan naiinip. Wala kang makitang tuyong dahon sa kanyang munting hardin. Ikaw ba naman magsimulang magwalis ng alas dos ng umaga…Minsan nga, dahil isa talaga akong gremlin, naisipan kung ikalat ulit ang mga tuyong dahon na tinapon sa hukay na ginawa niya. Aba, ang lolo tuwang-tuwa dahil may nahulog daw na mga tuyong dahon at may wawalisin siya. O di ba ang bright bright ko……

Hai, ano ba ang meron sa mga okasyon kasama ang mga retiradong kawal. Eh, ganito lang naman….walang katapusang balintataw sa mga nakaraan. Makintab na mga bunbunan. Maraming maraming puting buhok…ay mali, kinulayang buhok na ayos flat screen.

Siguradong sigurado ako! Handa kawal na naman ito. Usapang batas militar na naman.

Habang ako ay nakatanaw sa KAWALan at napapakanta ng “dito ba, dito ba ang sulok kung laan”…TO GO or NOT TO GO….Swet, I hate using my brainless head!

*google image

Dear romans, countrymen, friendster, blogmates, and lovers (charing lang ito). ako ay nagpapasalamat sa inyo. Isang karanganlan na maging bahagi ako ng mundo ng blogging. Maituturing ko na extraordinary ang aking blog (sa palagay ko lang yan) dahil ako ang nag-iisang kamotenista sa wordpress. Yun lang at wala ng iba pa.LOLs

Sa inyong mga kumento at pag-silip sa aking bahay ako ay natutuwa, napapahalakhak as in tumbling sabay giling. Marami akong mga kahindik-hindik, kagila-gilalas at karumal-rumal nakaranasan dito sa mundo ng blogging. Ikukwento ko na lang sa susunod kung ano ang mga yun. Sekreto muna.

Maliban sa blog-blogan entries ko andyan ang Meebo korner ko. Maraming panauhin ang chat box ko na ito. Pero, datapwat ako’y nakikiusap, nananawagan, at nagsusumamo na sana po magpakilala kayo. Ilagay ang pangalan o username para magkakilanlan tayo. Dahil isa akong bisi-bisihan na kamoteng gremlin na naligaw sa planet earth kaya kadalasan hindi ako nakakapag-message back sa inyo at higit sa lahat hindi kasi kayo nagpapakilala. Humuhingi po ako ng paumanhin.

Maliban sa Meebo box, maari ninyo rin akong i-chat sa aking registered email address sa wordpress. Sisikapin kung sagutin ang mga katanungan ninyo maliban sa mga bagay patungkol sa pulitika. Hindi po ako nabibilang sa mundo na yun.

Sori po hindi po ako marunong manghula…oo nga po insure ako kay Madam Auring pero hindi po ibig sabihin noon pinag-aaralan ko ang bawat kalaw ng mga tala, buwan, o mga planeta. Oo nga po ulit, minsan nasa kalawakan ako pero ibang kalaw ang pinag-aaralan ko.

Gumagalang,

Kamotenista

Next Page »